Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Walang Patid na Epidural para sa tulong sa Pananakit

Ang walang patid na epidural ay isang paraan ng pagbibigay ng gamot para sa pananakit. Ang gamot ay dinadala patungo sa iyong gulugod sa pamamagitan ng isang malambot na tubo na siyang ipinapasok sa espasyo na nakapalibot sa iyong kurdong panggulugod. Pinipigilan nito ang katawan upang makadama ng sakit. Ang walang patid na epidural ay ginagamit upang lunasan ang sakit matapos ang isang operasyon. Ito ay madalas ibinibigay bago ang isang operasyon at nananatiling epektibo hanggang sa panunumbalik ng lakas ng katawan. Ang epidural ay ginagamit dahil ito ay mas epektibo sa pagpapaginhawa laban sa sakit kumpara sa ibang paraan ng pampamanhid.

Paano Gumagana ang Epidural

Ang sakit na dulot ng isang sugat mula sa apektadong parte ng katawan ay nagmumula sa mga nerbiyo na siyang nagdadala ng senyales patungo sa kurdong panggulugod at sa iyong utak. Ang Epidural ang pumipigil sa prosesong ito ng pagpapadala ng mga senyales ng nerbiyo patungo sa kurdong panggulugod. Pinipigil nito na makarating sa utak ang mga senyales na siyang nagpapadama ng sakit. Isang manipis at malambot na tubo na tinatawag na catheter ang siyang ginagamit. Ipinapasok ito sa balat sa iyong likuran na dadalin patungo sa espasyo ng iyong gulugod na nakapalibot sa iyong kurdong panggulugod na tinatawag na epidural space. Pinadadaan ang gamot sa tubo. Ito ang pumipigil sa mga nerbiyo na nasa ilalim ng lugar ng insersyon. Maaaring bawasan o tuluyang alisin ng gamot ang pananakit na nararamdaman.

Ang Insersyon ng Epidural

Ang Epidural ay maaaring ibigay bago o matapos ang isang operasyon. Kung ikaw ay gising para sa insersyon, ikaw ay pakikiusapang humiga ng patigilid at itaas ang iyong dalawang binti kung saan ang iyong tuhod ay malapit sa iyong sikmura. Maaari ding ikaw ay pakiusapang umupo sa gilid ng iyong kama at bahagyang humilig. Ang lugar ng insersyon ay nililinis at pinapamanhid gamit ang lokal na anestisya. Ang tubo ay siya ngayong ipapasok sa iyong likuran. Isang maliit na makina ang siyang responsable sa pagpapalabas ng gamot na pampaginhawa mula sa sakit o kirot na siya namang dadaan sa tubo. Ang makinang ito ay nakaprograma at minamanipula ng isang anesthesiologist. Sa ibang mga pagkakataon, maaaring ituro sa iyo ang paraan upang maibigay mo sa iyong sarili ang gamot kung ito ay iyong kakailanganin.

Kapag ang Epidural ay Nasa Kaniya ng Pwesto

  • Ikaw ay magagawa pang makagalaw at makalakad habang nakakabit ang epidural.

  • Ang gamot ay maaaring tanggalin ang iyong kakayahang umihi. Kung mangyari ito, ang dami ng gamot na epidural ay maaaring i-adjust. O, isang tubo ang ilalagay sa iyong pantog upang alisin ang ihi.

  • Kung ikaw ay mayroong mga ilang sintomas, ang iyong gamot ay i-aadjust. Sabihin sa nangangalaga ng iyong kalusugan kung ikaw ay:

    • Nakakadama pa rin pananakit

    • May pagduduwal 

    • Masakit ang ulo 

    • Hirap sa paghinga 

    • Nagsisimulang magkaroon ng pangangati ng balat

    • Hindi maramdaman o maigalaw ang mga binti

    • May pananakit sa dako ng insersyon ng epidural

    • Nakadarama ng pagkatuliro o pagkahilo

  • Ang epidural ay naiwan sa kanyang pwesto ng ilang araw. Ito ay tatanggalin bago ka umuwi.

Mga Panganib at Posibleng Komplikasyon ng Walang Patid na Epidural

Bagamat ito ay ligtas, ang walang patid na epidural ay maaaring magkaroon ng mga komplikasyon. Maaaring kabilang dito ang:

  • Impeksiyon

  • Pagdurugo

  • Biglaang pagbaba ng presyon ng dugo

  • Malalang pananakit ng ulo

  • Pagkahilo

  • Seizures

  • Problema sa paghinga

  • Allergic na reaksyon

  • Pananakit ng likuran

  • Iregular na pagtibok ng puso

  • Pinsala sa kurdong panggulugod

  • Pinsala sa nerbiyo o daanan ng dugo

  • Cardiac arrest

Babantayang kang mabuti ng iyong doktor o nars para sa mga komplikasyong ito habang nakalagay ang epidural.

Online Medical Reviewer: Jimmy Moe MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Tennille Dozier RN BSN RDMS
Date Last Reviewed: 9/1/2019
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by StayWell