Pag-unawa sa Preterm Labor
Ang paglI-labor bago ang ika-37 linggo ng pagbubuntis ay tinatawag na preterm labor. Ang preterm labor ay maaaring maging sanhi ng pagsilang ng iyong sanggol nang mas maagang panahon. Puwedeng magdulot ito ng mga problema sa kalusugan ng iyong sanggol.
 |
Bago mag-labor, makapal at nakasara ang kuwelyo ng matris. |
 |
Sa preterm labor, nagsisimulang maging manipis at bumuka ang kuwelyo ng matris. |
Mga sintomas ng preterm labor
Kung sa iyong palagay ay nagkakaroon ka ng preterm labor, humingi agad ng pangmedikal na tulong. Ngunit hindi nangangahulugang ikaw ay nasa preterm labor nang dahil sa mga paghilab lamang. Ang mas mahalaga ay ang pagbabago ng iyong cervix. Ang cervix ay bukana sa ibabang dulo ng uterus. Kabilang sa mga sintomas ng preterm labor ang:
-
4 o higit pang paghilab kada oras
-
Malalakas na paghilab
-
Patuloy na pananakit na gaya ng kapag nereregla
-
Pananakit ng ibabang bahagi ng likuran
-
Mucous o may dugo na likidong lumalabas mula sa pwerta
-
Pagdurugo o bahid ng dugo sa ikalawa o ikatlong trimester
Pagsusuri sa preterm labor
Susubukang alamin ng iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan kung ikaw ay nasa preterm labor o nagkakaroon ka lamang ng mga paghilab. Maaaring bantayan ka niya nang ilang oras. Maaaring magkaroon ka ng mga pagsusuring ito:
-
Eksaminasyon ng balakang. Ito ay para makita kung ang cervix ay manipis na at nakabuka na.
-
Pagsubaybay sa aktibidad ng uterine. Ginagamit ito para malaman kung may paghilab.
-
Pagsubaybay sa hindi pa naisisilang na sanggol. Ginagawa ito para suriin ang kalusugan ng iyong sanggol.
-
Ultrasound. Titingnan ng pagsusuring ito ang laki at posisyon ng iyong sanggol.
-
Amniocentesis. Ang pagsusuring ito ay para malaman kung gaano na ka-mature ang mga baga ng iyong sanggol.
Pangangalaga sa iyong sarili sa bahay
Kung mayroon kang preterm na mga paghilab ngunit ang iyong cervix ay makapal at sarado pa, maaaring sabihin sa iyo ng provider ng pangangalagang pangkalusugan na:
-
Uminom ng maraming tubig.
-
Bawasan ang pagkilos.
-
Humiga sa kama nang patagilid.
-
Huwag makipagtalik o pukawin ang mga utong.
Kailan dapat tumawag sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan
Tumawag sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:
Kung kailangan mo ng pangagalaga sa ospital
Ang preterm labar ay kadalasang kailangan mo ng pangangalaga sa ospital. Maaaring kailanganin mong lubusang magpahinga sa higaan. Maaaring kailangan mo ng IV (intravenous) line sa iyong braso o kamay. Ito ay para mabigyan ka ng likido. Maaari kang bigyan ng mga pildoras o ng iniksyon. Ginagawa ang mga ito para tulungang maiwasan ang paghilab. Maaaring bigyan ka ng gamot na tinatawag na corticosteroid. Ito ay para matulungang mabilis na mag-mature ang mga baga ng iyong sanggol.
Ikaw ba ay nasa panganib?
Ang sinumang buntis ay maaaring magkaroon ng preterm labor. Maaari itong magsimula nang walang dahilan. Ngunit ang mga dahilan ng panganib na ito ay maaaring dagdagan ang iyong mga tsansa na magkaroon:
-
Nakaranas na ng preterm labor o maagang panganganak
-
Paninigarilyo, paggamit ng droga o pag-inom ng alak sa panahon ng pagbubuntis
-
Maramihang pagbubuntis (kambal o higit pa)
-
Problema sa hugis ng matris
-
Pagdurugo sa panahon ng pagbubuntis
Mga panganib ng preterm birth
Maaaring magkaroon ng mga problema sa kalusugan ang sanggol na ipinanganak nang napakaaga. Ito ay dahil hindi nagkaroon ng sapat na panahon upang lumaki ang sanggol. Kabilang sa ilang panganib sa iyong sanggol ang:
Pag-abot sa term
Ang iyong tunguhin ay umabot hanggang sa iyong term (ika-37 linggo o higit pa) hangga't maari bago ka mangananak. Kung mas malapit sa iyong term, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ka ng isang malusog na sanggol. Makipagtulungan sa tagapangalaga ng iyong kalusugan. Sama-sama, maaari kayong gumawa ng mga hakbang upang malayo ka sa panganganak nang masyadong maaga.
Online Medical Reviewer:
Donna Freeborn PhD CNM FNP
Online Medical Reviewer:
Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer:
Irina Burd MD PhD
Date Last Reviewed:
10/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.