Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

"Pag-iinat Pataas" para Madaling Maikilos ang Balikat

Makatutulong ang pag-iinat na ito na maibalik ang kadaliang maikilos ng balikat at maibsan ang kirot sa paglipas ng panahon. Kapag nag-iinat, siguraduhing huminga nang malalim. At sundin ang anumang espesyal na tagubilin mula sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o therapist.

  1. Itaas ang kamay sa bahaging gusto mong banatin nang mataas na makakaya mo. Pagkatapos, humawak sa isang matatag at matibay na ibabaw, gaya ng isang aparador ng libro o isang hamba ng pinto, gamit ang parehong kamay.

  2. Pinananatiling tuwid ang iyong braso, ibaba ang iyong katawan sa pamamagitan ng pagbaluktot ng iyong mga tuhod. Huminto kapag naramdaman mo ang pagbanat sa balikat. Subukang pigilin ang pag-inat sa loob ng  5 segundo.

  3. Pagsikapang gawin ang  3 set nitong pag-iinat,  3 beses sa isang araw. Pagsikapang pigilin ang pag-inat sa loob ng  30 hanggang 60 segundo.

Tandaan: Dapat manatiling tuwid ang iyong likod. Upang pahusayin ang pag-inat sa paglipas ng panahon, subukang ibaluktot ang iyong mga tuhod nang mas mababa. O itaas ang iyong braso nang mas mataas sa simula ng pag-inat.

Babaeng gumagawa ng ehersisyong pagtataas ng balikat, humahawak sa aparador ng libro.

Adhesive capsulitis ang ibang pangalan ng naninigas na balikat. Nagdudulot ito ng limitadong paggalaw sa balikat. Kung mayroon kang naninigas na balikat, maaaring magdulot ng kaunting kirot ang pag-inat na ito, lalo na kapag nagsisimula ka pa lamang. Maaaring lumipas ang ilang buwan bago mo makamit ang mga resultang gusto mo. Ngunit kapag gumaling na ang iyong balikat, bihira na itong maninigas muli. Kaya sundin ang iyong programa ng pag-iinat. Kung mayroon kang anumang tanong, magtanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.

Online Medical Reviewer: Daphne Pierce-Smith RN MSN
Online Medical Reviewer: Thomas N Joseph MD
Online Medical Reviewer: Trina Bellendir PT
Date Last Reviewed: 7/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by StayWell