Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Bali sa Binti o Braso

Maaaring mabiyak ang mga buto (bali) bilang resulta ng pagkahulog, pagkabangga, o ibang pinsala. Hindi banta sa buhay ang karamihan ng bali. Ngunit maaaring maging napakasakit ng mga ito. Maaaring humantong ang mga ito sa malulubhang problema kung hindi magagamot nang tama. Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang paggamot para sa malusog na paggaling.

Nilalagyan ng minoldeng semento ng tagabigay ng pangangalaga sa kalusugan ang braso ng babae.

Kailan dapat pumunta sa emergency room (ER)

Dapat ituring na medikal na emergency ang anumang bali sa binti o braso. Huwag igalaw ang braso o binti hanggang sa dumating ang tulong. Huwag subukang ituwid o isaayos ang buto. Maaari nitong masira ang buto. Maaari nitong mapinsala ang mga kalapit na daluyan ng dugo at mga litid. Kung mayroong nakabukang sugat, takpan ito ng malinis na tela. Ito ay upang maiwasan itong madumihan. Makatutulong ito na maiwasan ang impeksiyon.

Ano ang dapat asahan sa ER

Narito ang mangyayari sa ER: 

  • Itatanong ng tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa iyong pinsala at susuriin ka nang mabuti.

  • Lilinisin ang anumang sugat na mayroon ka.

  • Kukuhanan ng X-ray ng napinsalang bahagi.

Paggamot

Depende ang paggamot sa kung nasaan ang bali ng buto at kung saan may nakabukang sugat. Kung mayroon kang nakabukang sugat, maaari kang bigyan ng IV (intravenous) antibiotics. Maaaring hugasan ang sugat ng isterilisadong tubig. Ginagamot sa 2 yugto ang karamihan sa mga bali:

  • Reduction. Ibabalik ang buto sa tamang posisyon nito, kung kinakailangan.

  • Immobilization. Ilalagay sa lugar ang buto upang hindi ito gumalaw habang gumagaling. Para sa maraming bali sa braso o binti, ginagawa ito gamit ang splint o molde. Maaaring kailanganin ang operasyon ng malulubha o kombinasyon ng mga bali. Kung gayon, ipapasok ka sa ospital o isasangguni sa isang espesyalista sa buto (orthopedic surgeon).

Mga palatandaan ng bali sa binti o braso

Narito ang dapat tingnan:

  • Baluktot ang binti o braso

  • Mukhang wala sa lugar ang kasukasuan

  • Nakalabas (protrudes) mula sa balat ang buto

  • Hindi mailagay ang bigat sa binti o braso

  • Namamaga o napakasakit ng binti o braso

  • Manhid o kumikirot ang binti o braso

  • Nakarinig ng pagputok o paglagitik sa panahon ng pinsala

  • Pagkapasa

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by StayWell