Pananakit ng Tainga na Walang Impeksyon (Bata)

Ang pananakit ng tainga ay maaaring mangyari kahit walang impeksyon. Maaari itong mangyari kapag ang hangin at likido ay naipon sa likod ng bamban ng tainga na nagdudulot ng pananakit at mahinang pandinig. Tinatawag itong serous otitis media. Ibig sabihin nito, likido sa gitna ng tainga. Maaari itong mangyari kapag ang iyong anak ay may sipon at pagbara sa daluyan na nilalabasan ng gitnang bahagi ng tainga (eustachian tube). Maaari itong mangyari matapos ang isang impeksyon sa gitnang bahagi ng tainga na dulot ng bakterya. O maaari itong mangyari kung minsan na may kasamang allergy sa ilong. Ang pananakit ng tainga ay maaaring bumalik-balik. Maaari ding makarinig ang iyong anak ng lagitik o pagputok na tunog kapag ngumunguya o lumulunok.
Kadalasang tumatagal ng ilang linggo hanggang 3 buwan para mawala nang kusa ang likido. Makatutulong ang mga iniinom na pain reliever at pamatak sa tainga sa pananakit. Magtanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung aling mga gamot ang ligtas para sa iyong anak. Maaaring gumamit ng mga decongestant at antihistamine, ngunit ang mga ito ay hindi palaging makakatulong. Kung minsan, maaaring ireseta ang mga pang-ispray na steriod sa loob ng ilong. Walang impeksyong nakikita, kaya hindi makatutulong ang mga antibayotiko. Kung minsan, ang kondisyong ito ay maaaring maging impeksiyon sa tainga, kaya ipagbigay-alam sa tagapangalaga ng kalusugan kung ang iyong anak ay magkalagnat, may tumatagas mula sa tainga o kung lumalala ang mga sintomas.
Kung hindi gumagaling ang iyong anak pagkatapos ng 3 buwan, maaaring kailangan niya ng operasyon para tanggalin ang likido at magpasok ng mga tubo sa tainga (tympanostomy). Maaari ding kailangan ng iyong anak ang mga tubo kung may panganib siya sa mga problema sa pagsasalita, wika, o pag-aaral. O maaaring kailanganin ng iyong anak ang mga tubo para sa tainga kung mayroon siyang pagkawala ng pandinig.
Pangangalaga sa tahanan
Ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ay maaaring mag-utos sa iyo na bantayan mo ang iyong anak (mapaghintay na pagbabantay) nang hanggang 3 buwan. Nangangahulugan ito na ipaalam sa tagapangalaga kung hindi bumubuti o lumalala ang mga sintomas ng iyong anak.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ayon sa itinagubilin. Mahalaga na matiyak na maalis ang likido sa hinaharap.
Kailan hihingi ng medikal na payo
Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak o humingi kaagad ng medikal na pangangalaga kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
May lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas ang iyong anak, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga
-
Lumalala ang pananakit ng tainga
-
May tumatagas, dugo, o mabahong amoy sa tainga
-
Hindi pangkaraniwang pagbawas ng aktibidad o pagkabahala
-
-
Pagtagas ng likido o dugo sa tainga
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod: