Noninfectious Gastroenteritis (Adulto)
Maaaring magdulot ng pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, at paninigas ng tiyan ang gastroenteritis. Maaari itong mangyari mula sa pagiging sensitibo sa pagkain, pamamaga ng iyong digestive tract, mga gamot, stress, o iba pang sanhi na walang kaugnayan sa impeksiyon. Ang nararamdaman mong mga sintomas ay karaniwang magtatagal ng 1 hanggang 3 araw, ngunit maaaring mas tumagal pa. Hindi gumagana ang mga antibayotiko laban sa sakit na ito. Makakatulong ang simpleng paggamot sa tahanan.
Pangangalaga sa tahanan
Gamot
-
Maaari kang gumamit ng acetaminophen o mga gamot na NSAID tulad ng ibuprofen o naproxen upang makontrol ang lagnat, malibang may ibang gamot na inireseta. Kung mayroon kang pangmatagalang sakit sa atay o bato, o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng pantunaw, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito. Hindi dapat gamitin kailanman ang aspirin sa sinumang wala pang 18 taong gulang na may lagnat. Maaari itong magdulot ng malalang pinsala sa atay. Huwag dagdagan ang iyong mga gamot na NSAID kung umiinom ka na ng mga gamot na ito para sa ibang kondisyon tulad ng arthitis. Huwag gumamit ng mga NSAID kung umiinom ka ng aspirin. Halimbawa, kung umiinom ka ng aspirin para sa sakit sa puso o pagkatapos ng stroke.
-
Kung niresetahan ng para sa pagtatae o pagsusuka, inumin lamang ayon sa itinagubilin.
Pangkalahatang pangangalaga at pagpigil na kumalat ang sakit
-
Kung malala ang mga sintomas, magpahinga sa bahay sa susunod na 24 oras o hanggang sa bumiti ang pakiramdam mo.
-
Ang paghuhugas ng iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis at dumadaloy na tubig ay ang pinakamabuting paraan upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon. Hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos humawak sa sinumang may sakit.
-
Turuan ang mga tao sa iyong bahay kung kailan at kung paano maghugas ng kanilang mga kamay. Basain ang iyong mga kamay ng malinis at dumadaloy na tubig. Pabulain ang sabon sa likod ng iyong mga kamay, sa pagitan ng iyong mga daliri, at sa ilalim ng iyong mga kuko. Kuskusin ang iyong mga kamay nang hindi bababa sa 20 segundo. Kung kailangan mo ng timer, subukang kumanta ng Happy Birthday nang dalawang beses mula sa simula hanggang sa matapos. Banlawang mabuti ang iyong mga kamay at tuyuin gamit ang malinis na tuwalya.
-
Hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos gumamit ng palikuran, humipo sa mga hayop, umubo o bumahin, paghahanda ng mga pagkain, at bago kumain.
-
Linisin ang palikuran pagkatapos gamitin.
-
Ang caffeine, tabako at alak ay maaaring magpalala sa iyong pagtatae, paninigas ng tiyan at pananakit. Isaalang-alang na bawasan o ihinto ang mga bagay na ito hanggang gumaling ka.
Diyeta
-
Mahalaga ang tubig at malilinaw na likido para hindi ka mawalan ng tubig sa katawan. Uminom ng kaunti sa isang pagkakataon.
-
Huwag pwersahin ang iyong sarili na kumain, lalo na kung may paninigas, pagsusuka, o pagtatae ka. Kapag sa wakas ay nagpasya ka nang kumain, huwag kumain ng marami sa isang pagkakataon, kahit pa gutom ka.
-
Kung kakain ka, iwasan ang matataba, mamantika, maanghang, o prinitong pagkain.
-
Huwag kumain ng mga produktong gawa sa gatas kung nagtatae ka. Palalalain ng mga ito ang pagtatae.
Sa panahon ng unang 24 na oras (ang unang isang buong araw), sundin ang diyeta na nasa ibaba
-
Mga inumin. Tubig, malilinaw na likido, mga soft drink na walang caffeine, mineral water (wala o mayroong flavor), at decaffeinated na tsaa at kape.
-
Mga sabaw. Malinaw na sabaw, consommé, at bouillon. Hindi magandang piliin ang sport drinks dahil masyadong maraming asukal ang mga ito at walang sapat na electrolytes. Sa ganitong kaso, gumamit ng mga produktong tinatawag na oral rehydration solution.
-
Mga panghimagas. Plain na gelatin (Jell-O), popsicles at mga bars na fruit juice.
Sa loob ng susunod na 24 na oras (ang ikalawang araw)
Sa loob ng ikalawang araw, maaari mong idagdag sa listahang nasa itaas kung mas magaling ka na. Kung hindi, ipagpatuloy ang ginawa mo noong unang araw.
-
Mainit na cereal, plain toast, tinapay, rolls, o crackers
-
Plain noodles, kanin, niligis na patatas, o chicken noodle o rice soup
-
Hindi matamis na de-latang prutas at saging. Huwag kumain ng pinya o citrus.
-
Limitahan ang caffeine at tsokolate. Walang pampalasa o rekado maliban sa asin.
Sa loob ng susunod na 24 na oras
-
Dahan-dahang bumalik sa normal na diyeta, habang gumaganda ang iyong pakiramdam at nababawasan ang iyong mga sintomas.
-
Kapag anumang oras na magsimulang lumala ang iyong mga sintomas, bumalik sa malinaw na mga likido hanggang sa bumiti ang iyong pakiramdam.
Paghahanda ng pagkain
-
Kung nagtatae ka, hindi ka dapat maghanda ng pagkain para sa iba. Kapag naghahanda ka ng pagkain para sa iyong sarili, maghugas ng mga kamay bago at pagkatapos.
-
Hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos gamitin ang sangkalan, banggerahan, at mga kutsilyo na ginamit sa hilaw na pagkain.
-
Ilayo ang mga hilaw na karne sa mga luto at handa nang kainin na pagkain.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung hindi ikaw ay hindi bumubuti pagkalipas ng susunod na 2 hanggang 3 araw, o gaya ng ipinayo. Kung kinunan ng sampol ng dumi (diarrhea), tumawag para sa mga resulta katulad ng itinagubilin.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung nangyari ang alinman sa mga ito:
Kailan hihingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Tumitinding pananakit ng tiyan o hindi nagbabagong pananakit ng kanang ibaba ng tiyan
-
Patuloy na pagsusuka (hindi mapanatiling nasa baba ang likido)
-
Madalas na pagtatae (mahigit sa 5 beses sa isang araw)
-
Dugo sa suka o dumi (kulay itim o pula)
-
Hindi kayang tunawin ang matigas na pagkain pagkalipas ng ilang araw.
-
Maitim na ihi, kaunti ang inilalabas na ihi
-
Panghihina o pagkahilo
-
Pagkaantok
-
Lagnat na 100.4ºF (38.0ºC) o mas mataas, o ayon sa ipinag-uutos ng tagapangalaga ng iyong kalusugan
-
Bagong pantal
-
Lumalala ang mga sintomas o may mga bago kang sintomas
Online Medical Reviewer:
Jen Lehrer MD
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed:
11/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.