Acute Otitis Media na may Impeksiyon (Bata)
May impeksiyon sa gitnang tainga ang iyong anak (acute otitis media). Sanhi ito ng bakterya o mga virus. Ang gitnang tainga ay ang espasyo sa likod ng eardrum. Ikinokonekta ng eustachian tube ang tainga sa daanan ng ilong. Nakatutulong ang mga eustachian tube na alisin ang likido mula sa mga tainga. Pinananatili din ng mga ito ang presyon ng hangin na pantay sa loob at labas ng mga tainga. Mas maikli ang mga tubong ito at mas pahalang sa mga bata. Ginagawa nitong mas malamang na mabarahan ang mga tubo. Hinahayaan ng pagbabara ang mga likido at presyon na mamuo sa gitnang tainga. Maaaring dumami ang bakterya o fungi sa likidong ito at magdulot ng impeksiyon sa tainga. Karaniwang kilala ang impeksiyong ito bilang pananakit ng tainga.

Pananakit ng tainga ang pangunahing sintomas ng isang impeksiyon sa tainga. Maaaring kasama sa iba pang sintomas ang paghila sa tainga, pagiging mas makulit kaysa karaniwan, lagnat, nabawasan ang ganang kumain, at pagsusuka o pagtatae. Maaari ding maapektuhan ang pandinig ng iyong anak. Maaaring magkaroon muna ng impeksiyon sa baga ang iyong anak.
Maaaring kusang mawala ang impeksiyon sa tainga. O maaaring kailanganin ng iyong anak na uminom ng gamot. Pagkatapos mawala ang impeksiyon, maaaring mayroon pa ring likido sa gitnang tainga ang iyong anak. Maaari itong tumagal ng ilang linggo o buwan para mawala ang likido. Sa panahong iyon, maaaring magkaroon ng pansamantalang pagkawala ng pandinig ang iyong anak. Ngunit dapat mawala ang lahat ng iba pang sintomas ng pananakit ng tainga.
Pangangalaga sa tahanan
Sundin ang mga tagubiling ito kapag nangangalaga sa iyong anak sa bahay:
-
Malamang na magreseta ang tagapangalaga ng kalusugan ng mga gamot para sa pananakit. Maaari ding magreseta ang tangapangalaga ng mga antibayotiko upang gamutin ang impeksiyon. Maaaring ang mga ito ay mga likidong gamot na iniinom. O puwedeng maging pampatak sa tainga. Sundin ang mga tagubilin ng tagapangalaga sa pagbibigay ng mga gamot na ito sa iyong anak. Huwag bigyan ang iyong anak ng anumang iba pang gamot nang hindi muna nagtatanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, lalo na sa unang beses.
-
Dahil maraming impeksiyon sa tainga ang maaaring kusang mawala, maaaring imungkahi ng tagapangalaga na maghintay ng ilang araw bago ibigay sa iyong anak ang mga gamot para sa impeksiyon.
-
Upang mabawasan ang pananakit, hayaang magpahinga ang iyong anak na patayo ang posisyon. Maaaring makatulong ang mga mainit o malamig na compress na nakapatong sa tainga para maibsan ang pananakit.
-
Huwag manigarilyo sa iyong bahay o sa paligid ng iyong anak. Ilayo ang iyong anak mula sa usok ng sigarilyo ng ibang tao.
Upang makatulong na maiwasan ang mga impeksiyon sa hinaharap:
-
Huwag manigarilyo malapit sa iyong anak. Pinatataas ng pangalawang usok ng sigarilyo ang panganib para sa mga impeksiyon sa tainga sa mga bata.
-
Siguraduhin na nakakakuha ang iyong anak ng lahat ng naaangkop na bakuna.
-
Huwag padedehin sa bote habang nakahiga ang iyong sanggol. (Maaaring maging sanhi ang posisyong ito ng mga impeksiyon sa gitnang tainga dahil pinahihintulutan nito na dumaloy ang gatas sa mga eustachian tube.)
-
Kung nagpapasuso ka, ipagpatuloy hanggang sa maging 6 hanggang 12 buwan ang iyong anak.
Para maglagay ng mga pampatak sa tainga:
-
Hugasan ang iyong mga kamay at kamay ng iyong anak bago at pagkatapos gamitin ang mga pampatak sa tainga.
-
Ilagay ang bote sa maligamgam na tubig kung nakatabi ang gamot sa refrigerator. Hindi maginhawa ang mga malamig na pampatak sa tainga.
-
Ihiga ang iyong anak sa isang patag na ibabaw. Dahan-dahang hawakan ang ulo ng iyong anak sa isang gilid.
-
Alisin ang anumang malinaw na tagas mula sa tainga gamit ang malinis na tissue o cotton swab. Linisin lamang ang labas ng tainga. Huwag ipasok ang cotton swab sa loob ng ear canal.
-
Ituwid ang ear canal sa mga bata na mahigit sa edad na 3 sa pamamagitan ng marahang paghila sa earlobe pataas at pabalik. Sa mga batang wala pang edad na 3, marahang hilahin ang earlobe pababa at pabalik.
-
Panatilihin ang dropper sa kalahating pulgada sa itaas ng kanal ng tainga. Maiiwasan nito na maging kontaminado ang pampatak. Ilagay ang mga patak sa gilid ng kanal ng tainga.
-
Ihiga ang iyong anak sa loob ng 2 hanggang 3 minuto. Nagbibigay ito ng oras para makapasok ang gamot sa kanal ng tainga. Kung walang pananakit ang iyong anak, dahan-dahang imasahe ang labas ng tainga malapit sa bukana.
-
Punasan ang anumang labis na gamot mula sa labas ng tainga gamit ang malinis na cotton ball.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ayon sa itinagubilin. Kailangang suriin muli ang tainga ng iyong anak upang matiyak na wala na ang impeksiyon. Itanong sa tagapangalaga ng kalusugan para malaman kung kailan niya gustong makita ang iyong anak.
Espesyal na paalala sa mga magulang
Kung patuloy ang pananakit sa tainga ng iyong anak, maaaring kailangan nila ng mga tubo sa tainga. Maglalagay ang tagapangalaga ng kalusugan ng maliliit na tubo sa eardrum ng iyong anak upang makatulong na maiwasan ang pamumuo ng likido. Simple at gumaganang mabuti ang pamamaraang ito.
Kailan hihingi ng medikal na payo
Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak para sa alinman sa mga sumusunod:
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan (tingnan ang Lagnat at mga bata, sa ibaba)
-
Mga bagong sintomas, lalo na ang pamamaga sa paligid ng tainga o panghihina ng mga kalamnan ng mukha
-
Matinding pananakit
-
Mukahang lumalala ang impeksiyon, hindi bumubuti
-
Lagnat o pananakit na hindi bumubuti sa pamamagitan ng mga antibayotiko pagkatapos ng 48 oras
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mangyari ang sumusunod:
Lagnat at mga bata
Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:
-
Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.
-
Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.
-
Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.
Gamitin nang may pag-iingat ang rectal thermometer. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.
Nasa ibaba ang kung kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan kung may lagnat ang iyong anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero. Sundin ang kanyang mga tagubilin.
Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak
Para sa isang sanggol na wala pang 3 buwang gulang:
-
Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.
-
Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas
-
Kili-kili: 99°F (37.2°C) o mas mataas
-
Lagnat na ___________ayon sa ipinayo ng tagapangalaga
Para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):
-
Puwit o noo: 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Tainga (ginagamit lamang sa edad na higit sa 6 na buwan): 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Lagnat na ___________ ayon sa ipinayo ng tagapangalaga
Sa ganitong mga kaso:
-
Temperatura sa kili-kili na 103°F (39.4°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Temperatura na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Lagnat na ___________ ayon sa ipinayo ng tagapangalaga