Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Bacterial Vaginosis

Larawan na nagpapakita ng hinati sa gitna na bahagi ng uterus, na may mga Fallopian tube, ovary, cervix, at pwerta.

Mayroon kang impeksyon ng puwerta na bacterial na tinatawag na bacterial vaginosis (BV). Kapwa may mabuti at masamang bakterya sa malusog na pwerta. Nangyayari ang BV kapag nawala sa balanse ang mga bakteryang ito. Tumataas ang dami ng masamang bakterya. Bumababa ang dami ng mabuting bakterya. Bagaman nauugnay ang BV sa pagtatalik, hindi ito sakit na naililipat sa pakikipagtalik.

Maaaring ang BV ay wala o merong mga sintomas. Kung may mangyaring mga sintomas, kasama sa mga ito ang:

  • Malabnaw, tulad gatas, o kung minsan maberdeng tagos

  • Hindi kaaya-ayang amoy o "malansa" na amoy

  • Pangangati, mahapdi, o makirot sa loob at sa palibot ng pwerta

Hindi pa alam kung ano ang sanhi ng BV, ngunit may ilang salik na malamang pinagmumulan ng problema. Kabilang dito ang:

  • Pagdudutsa

  • Pakikipagtalik sa isang bagong kapareha

  • Pakikipagtalik sa higit sa isang kapareha

Kusang nawawala kung minsan ang BV. Ngunit karaniwang inirerekumenda ang paggagamot. Dahilan sa ang hindi na gagamot na BV ay magpapataas sa panganib na mas malalang problema sa kalusugan tulad ng:

  • Pelvic inflammatory isease (PID)

  • Panganganak na wala sa oras (mas maagang panganganak ng sanggol kung ikaw ay buntis)

  • HIV at ilang iba pang sakit na naililipat ng pakikipagtalik (STDs)

  • Impeksyon pagkatapos ng operasyon sa mga reproductive organ

Pangangalaga sa tahanan

Pangkalahatang pangangalaga

  • Karaniwang nilulunasan ang BV sa pamamagitan ng mga gamot na tinatawag na antibayotiko. Maaaring ibigay ito bilang pills o bilang cream para sa pwerta. Kapag niresetahan ng mga antibayotiko, tiyaking gamitin ang mga ito nang eksakto ayon sa itinagubilin. Gayundin, tiyaking kukompletohin ang lahat ng gamot, kahit na wala na ang mga sintomas.

  • Huwag magdutsa o makipagtalik habang naggagamot.

  • Kung nakipagtalik ka sa isang babaeng kapareha, tanungin ang iyong tagapangalaga ng kalusugan kung kailangan din siyang gamutin.

Pag-iwas

  • Huwag dutsa.

  • Huwag makipagtalik. Kung makikipagtalik ka, gumawa ng mga hakbang para mapababa ang panganib:

    • Gumamit ng kondom kapag nakikipagtalik.

    • Limitahan ang bilang ng nakakatalik mo.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o gaya ng ipinapayo.

Kailan dapat humingi ng medikal na pagpapayo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung:

  • Mayroon kang lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o gaya ng itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.

  • Kung lumala ang mga sintomas, o hindi nawawala sa loob ng ilang araw simula ng mag-umpisa ang gamutan.

  • Mayroon kang bagong pananakit na nararamdaman sa ibabang bahagi ng iyong tiyan o bahaging pelvic.

  • Mayroon kang nararamdamang mga side effect na nakakagambala sa iyo o reaksyon sa mga pill o cream na inireseta sa iyo.

  • Ikaw o sinumang kapareha mo na nakatalik mo ay may mga bagong sintomas, tulad ng pantal, pananakit ng kasu-kasuan, o mga singaw.

Online Medical Reviewer: Fraser, Marianne, MSN, RN
Online Medical Reviewer: Karlin, Ronald, MD
Date Last Reviewed: 10/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by StayWell