Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Candida Pampuki Impeksyon

Uterus, Puwerta, Cervix, Obaryo, Fallopian tube

Ang candida ay ang labis na pagdami ng mga yeast germ na karaniwang nasa puwerta. Pangangati at pamumula ng labas na bahagi ng puwerta at maputing lumalabas ang sintomas. Maaaring mayrong ka ring nararamdamang panghahapdi kapag umiihi. Dahil ito sa pagdaan ng ihi sa namamagang panlabas na mga tissue ng puwerta.

Nangyayari ang impeksyong ito kapag mayroong kawalan ng balanse sa mga natural na fluid ng puwerta. Maaaring mangyari ito sa pagbubuntis, o kapag gumagamit ng mga birth control pill o antibiotic. Kabilang sa mga salik na panganib ang diabetes, pagsusuot ng mahigpit na underwear at paggamit ng douche nang madalas.

PANGANGALAGA SA BAHAY:

  • Panatiliing malinis at walang discharge ang paligid ng ari sa pagsusuot ng nakakasipsip na sanitary pad. Magpalit ng pad nang madalas. Mag-shower araw-araw, na nililinis ang labas na bahagi ng puwerta gamit ang walang halong sabon at tubig.

  • Huwag gumamit ng douche sa panahon ng gamutan malibang ipinayo ng iyong doktor na gawin ito. Hindi na inirerekumenda ang rutinang paggamit ng douche pagkaraan ng gamutan upang linisin ang puwerta. Pinapataas nito ang iyong panganib ng impeksyon ng puwerta at sakit na pelvic inflammatory.

  • Huwag makipagtalik hanggang sa maubos mo ang gamot at ang lahat ng iyong sintomas ay nawala.

  • Magsuot ng underwear na cotton o cotton-lined na panty hose. Huwag magsuot ng masyadong masikip na pantalon.

  • Gamitin ang lahat ng gamot gaya ng ipinag-uutos hanggang sa maubos ito. Kung hindi mo ito gagawin, maaaring bumalik ang mga sintomas.

MAG-FOLLOW UP: Bumalik sa pasilidad na ito o makipagkita sa iyong doktor kung ang LAHAT ng sintomas ay hindi nawala pagkaraang makumpleto ang gamutan.

MAKAKUHA NG MABILIS NA ATENSYONG MEDIKAL kung mangyari ang alinman sa sumusunod:

  • Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o gaya ng ipinag-uutos ng iyong healthcare provider

  • Pananakit ng puson

  • Pamamantal o pananakit ng kasu-kasuan

  • Masasakit na mga sugat sa paligid ng labas na bahagi ng puwerta o sa ari ng iyong kapareha

Online Medical Reviewer: Fraser, Marianne, MSN, RN
Online Medical Reviewer: Karlin, Ronald, MD
Date Last Reviewed: 10/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by StayWell