Viral Syndrome (Bata)
Pinakakaraniwang sanhi ng sakit sa mga bata ang virus. Maaari itong magdulot na ilang iba't ibang sintomas, depende sa kung anong bahagi ng katawan ang apektado. Maraming virus ang maaaring magdulot ng maraming sintomas. Tinatawag na viral syndrome ang mga sintomas na ito.
Kung manatili ang virus sa ilong, lalamunan, at mga baga, magdudulot ito ng ubo, paninikip, at kung minsan ay pagsakit ng ulo. Kung manatili ito sa sikmura at bituka, magdudulot ito ng pagsusuka at pagtatae. Kung minsan, nagdudulot ito ng hindi tiyak na mga sintomas na masamang pakiramdam sa buong katawan, na may kaselanan, walang ganang kumain, hindi maayos na pagtulog, at palaging pag-iyak. Maaari ding lumitaw ang bahagyang pantal sa unang ilang araw, pagkatapos ay mawawala.
Kadalasang tumatagal ang sakit dulot ng virus ng 3 hanggang 5 araw. Ngunit kung minsan, nagtatagal pa ito nang umaabot sa 1 hanggang 2 linggo. Mga hakbang na pantahanan ang madalas na kailangan upang gamutin ang sakit dulot ng virus. Hindi tumutulong ang mga antibayotiko. Ngunit ang ilang sakit dulot ng virus, gaya ng flu (trangkaso), ay maaaring gamutin gamit ang antiviral na gamot.
Pangangalaga sa tahanan
Sundin ang mga tagubilin na ito upang pangalagaan ang iyong anak sa bahay:
-
Mga likido. Pinapataas ng lagnat ang pagkawala ng tubig sa katawan. Para sa mga sanggol na wala pang 1 taon, ipagpatuloy ang regular na pagpapakain (gatas na formula o pagpapasuso). Sa pagitan ng mga pagpapakain, magbigay ng oral rehydration solution na mabibili sa mga grocery at botika nang walang reseta. Para sa mga batang mahigit sa 1 taong gulang, bigyan ng maraming likido tulad ng tubig, juice, salabat, lemonada, mga inuming gawa sa prutas, o ice pops.
-
Pagkain. Kung ayaw kumanin ng iyong anak ng matitigas na pagkain, OK lang ito sa loob ng ilang araw, hangga't umiinom siya ng maraming likido. (Kung na-diagnose ang iyong anak na may sakit sa bato, itanong sa doktor ng iyong anak kung gaano karami at kung anong uri ng mga likido ang dapat inumin ng iyong anak upang maiwasan ang pagkatuyo ng tubig sa iyong katawan. Kung may sakit sa bato ang iyong anak, ang pag-inom ng sobrang likido ay maaaring magdulot ng pagkaipon nito sa katawan at maging mapanganib sa kalusugan ng iyong anak.)
-
Aktibidad. Panatilihing namamahinga sa bahay ang mga anak na may lagnat o maglaro nang tahimik. Himukin ang madalas na pag-idlip. Maaari nang bumalik sa day care o sa paaralan ang iyong anak kapag wala nang lagnat at nakakakain na siya nang mabuti at mabuti na ang pakiramdam.
-
Pag-tulog. Karaniwan ang mga yugto ng hindi pagkatulog at pagiging matampuhin (iritable). Bigyan ang iyong anak ng maraming panahon na makatulog.
-
Para sa mga batang 1 taong gulang at mas matanda: Patulugin ang iyong anak sa bahagyang patayong posisyon. Para makatulong ito na mas madaling makahinga. Kung posible, iangat ang bandang ulo ng kama nang bahagya. O itaas ang ulo ng iyong mas matandang anak at itaas na bahagi ng katawan gamit ang mga dagdag na unan. Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak tungkol sa kung gaano itataas ang ulo ng iyong anak.
-
Para sa mga sanggol na mas bata sa 12 buwan: Huwag kailanman gumamit ng mga unan o patulugin ang iyong sanggol nang nakadapa o nakatagilid. Dapat matulog nang nakatihaya ang mga sanggol na mas bata sa 12 buwan sa patag at matibay na tulugan. Huwag gumamit ng mga upuan na pangkotse, stroller, swing, baby carrier, at baby sling para sa pagtulog. Kung makatulog ang iyong sanggol sa isa sa mga ito, ilipat siya sa isang patag at matatag na ibabaw sa lalong madaling panahon na magagawa mo.
-
Pag-ubo. Normal na bahagi ng sakit na ito ang pag-ubo. Maaaring makatulong ang malamig na mist humidifier sa tabi ng kama. Ang mga gamot na nabibili nang walang reseta (OTC) na pang-ubo at sipon ay hindi napatunayang nakakatulong nang higit kaysa sa syrup na walang halong gamot. Ngunit maaaring makapagdulot ng malulubhang masasamang epekto lalo na sa mga sanggol na mas bata sa 2 taong gulang ang mga gamot na ito. Huwag magbigay ng mga nabibili ng walang reseta na gamot sa ubo at sipon sa mga bata na wala pang 6 na taong gulang malibang partikular na ipinayo ng tagapangalaga ng kalusugan na gawin iyon. Gayun din, huwag ilantad ang iyong anak sa direktang usok ng sigarilyo o usok na mula sa ibang naninigarilyo. Pwedeng palalalain nito ang ubo. Huwag kailanman bigyan ang iyong anak ng mga gamot na para sa mga adulto. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga o pharmacist kung mayroon kang anumang tanong.
-
Pagbabara ng ilong. Sipsipin ang ilong ng mga sanggol gamit ang isang gomang bulb syringe. Maaari kang maglagay ng 2 hanggang 3 patak ng tubig-alat (saline) na pamatak sa ilong sa bawat butas ng ilong bago ang pagsipsip upang makatulong na alisin ang sipon. Mabibili ang mga saline na pamatak sa ilong nang walang reseta. Maaari ka ring gumawa nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng 1/4 na kutsarita ng asin sa 1 tasa ng tubig.
-
Lagnat. Maaari kang magbigay sa iyong anak ng acetaminophen o ibuprofen upang makontrol ang pananakit at lagnat, malibang may ipinayong ibang gamot para dito. Kung mayroong pangmatagalang sakit sa atay o bato ang iyong anak o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng sikmura at bituka, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito. Huwag kailanman magbigay ng aspirin sa sinumang mas bata sa edad na 18 na may lagnat. Maaari itong magdulot ng malalang pinsala o kamatayan.
-
Pag-iwas. Hugasan ang iyong mga kamay bago at pagkatapos hawakan ang iyong may sakit na anak. Ito ay para makatulong na maiwasang magkaroon ng bagong sakit ang iyong anak. At upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito dahil sa virus sa iyong sarili at sa iba pang bata. Ipagawa rin ito sa sinumang humahawak sa iyong anak. Turuan ang lahat ng miyembro ng pamilya sa tamang paraan ng paghuhugas ng kanilang mga kamay.
-
Paghuhugas ng kamay. Basain ang iyong mga kamay gamit ang sabon at malinis na dumadaloy na tubig. Pabulain ang mga palad at likod ng iyong mga kamay, sa pagitan ng iyong mga daliri, at sa ilalim ng iyong mga kuko. Kuskusin ang iyong mga kamay nang hindi bababa sa 20 segundo. Kung kailangan mo ng timer, subukang kumanta ng “Happy Birthday” nang dalawang beses mula sa simula hanggang sa matapos. Banlawang mabuti ang iyong mga kamay at tuyuin gamit ang malinis na tuwalya.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ayon sa ipinayo.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Malibang may ibang ipinayo ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, tawagan kaagad ang tagapangalaga kung ang iyong anak ay may:
-
Pananakit ng tainga, pananakit ng sinus, paninigas o pananakit ng leeg, pananakit ng ulo
-
Tumitinding pananakit ng tiyan o pananakit na hindi gumagaling matapos ang 8 oras
-
Paulit-ulit na pagtatae o pagsusuka
-
Pagkakaroon ng bagong pantal
-
Mga palatandaan ng pagkaubos ng likido sa katawan: Walang basang lampin sa loob ng 8 oras para sa mga sanggol, kaunti o walang ihi sa mas malalaking bata, maitim na ihi, lubog na mga mata
-
Mahapding pakiramdam kapag umiihi
-
Mga sintomas na lumulubha o may mga bagong sintomas
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung nangyari ang alinman sa mga ito:
-
Nagkukulay asul, lila, o abo ang mga labi o balat
-
Hindi maigalaw na leeg o pantal na may lagnat
-
Kumbulsyon (seizure)
-
Paghingasing o hirap sa paghinga
-
Abnormal na pagiging maselan o pagkaantok
-
Pagkatuliro
Lagnat at mga bata
Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:
-
Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.
-
Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.
-
Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.
Gamitin ang thermometer sa puwit nang maingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.
Nasa ibaba ang mga patnubay upang alamin kung may lagnat ang iyong maliit na anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero para sa iyong anak. Sundin ang mga partikular na tagubilin ng iyong tagapangalaga.
Mga sukat ng lagnat para sa sanggol na wala pang 3 buwang gulang:
-
Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.
-
Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas
-
Kilikili: 99°F (37.2°C) o mas mataas
Mga sukat ng lagnat para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):
-
Puwit, noo, o tainga: 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Kilikili: 101°F (38.3°C) o mas mataas
Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan sa mga kasong ito:
-
Temperatura na paulit-ulit na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Lagnat na 100.4° F (38° C) o mas mataas sa sanggol na mas bata sa 3 buwan
-
Lagnat na tumatagal ng lampas sa 24 na oras sa batang wala pang 2 taong gulang
-
Lagnat na tumatagal ng 3 araw sa batang 2 taong gulang o mas matanda