Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Kagat ng Insekto

Nangangagat ang ilang insekto upang protektahan ang kanilang mga sarili o ang kanilang mga pugad. Kabilang sa mga ito ang mga bubuyog, putakti, langgam, at hornet. Nagdudulot ang kagat ng matindi at mahapding pananakit. Nangangagat ang iba pang insekto para kumain. Kabilang sa mga ito ang mga pulgas, surot, at lamok. Sa ilang kaso, hindi nagdudulot ng pananakit ang aktwal na kagat. Ngunit pagkatapos ng kagat maaaring magyroong lokal na reaksiyon. Maaaring magdulot ng lokal na reaksiyon ang parehong mga kagat at tusok na makati at mapulang latay o pamamaga sa lugar. Hindi nagdudulot ng sakit ang karamihang kagat at tusok ng insekto. At kadalasang nawawala ang pangangati at pamamaga nang walang paggamot. Ngunit maaaring magkaroon ng impeksiyon kung kinamot ang kagat at nasugatan ang balat.

Kung nakikita ang kumagat sa lugar ng kagat, alisin ito nang mabilis hangga't maaari. Maaari nitong mabawasan ang dami ng lason na pumapasok sa iyong katawan. Kayurin ito gamit ang mapurol na gilid, gaya ng gilid ng isang credit card. Subukang huwag itong pisilin. Huwag subukang sundutin ito. Maaari mong mapinsala ang balat at mapataas din ang tsansa ng impeksiyon.

Sa mga bihirang kaso, maaaring magkaron ng reaksiyon sa allergy ang isang tao sa isang kagat o tusok ng insekto. Maaari kang magkaroon ng malubhang reaksiyon sa allergy sa unang beses na makagat o matusok ka. Tinatawag na anaphylaxis ang mga malubhang reaksiyon sa allergy. Isa itong medikal na emergency. Kung mayron kang mga sintomas na nakalista sa ibaba pagkatapos makagat o matusok, magpatawag sa 911.

Kadalasang mabilis na nagkakaroon ng mga sintomas ng reaksiyon sa allergy at kabilang ang:

  • Mga sintomas sa balat, tulad ng mga pantal, pamumula, o pamamaga mula sa bahagi na kinagat. Halimbawa, maaaring mamaga ang mukha o labi pagkatapos makagat sa kamay.

  • Pamumulikat ng tiyan, pagduduwal, pagsusuka, o pagtatae

  • Paos na boses, kakapusan sa hininga, pakiramdam na lumaki ang dila o sumasara ang lalamunan, at nahihirapang huminga

  • Pagkalula, pagkahilo, o pagkahimatay

Upang makatulong na mabawasan ang pamamaga at pangangati, maglagay ng yelo o malamig na pack na binalot sa manipis na tuwalya.

Pangangalaga sa tahanan

  • Para sa mga lokal na reaksyon sa mga tusok o kagat, maaaring magreseta ang iyong tagapangangalaga ng kalusugan ng mga gamot na nabibili nang walang reseta tulad ng calamine lotion o mga antihistamine. Makatutulong ang mga ito na maibsan ang pangangati at pamamaga. Gamitin ang bawat gamot ayon sa mga tagubilin na nasa pakete. Kung naimpeksiyon ang kagat o tusok, kakailanganin mo ng antibayotiko. Bihira ito. Maaaring ito ay nasa anyong tableta na iniinom. O maaaring ito ay isang ointment o cream na direktang ipinapahid sa balat. Siguraduhing gamitin ito nang eksakto ayon sa inireseta.

  • Kadalasang nawawala nang kusa ang mga sintomas ng kagat sa loob ng isa o dalawang linggo.

  • Upang makatulong na maiwasan ang impeksiyon, huwag kamutin o kurutin ang kagat.

  • Upang makatulong na maibsan ang pangangati at pamamaga, lapatan ng yelo ang mga kagat. Gawin ito nang hanggang 10 minuto bawat pagkakataon. Huwag mag-shower o maligo ng mainit. Madalas nitong pinalala ang pangangati. Upang makagawa ng ice pack, maglagay ng mga piraso ng yelo sa isang zip-top na plastic bag na naisasara sa ibabaw nito. Ibalot ang bag sa isang malinis at manipis na tuwalya o tela. Huwag kailanman maglagay ng yelo o pakete ng yelo nang direkta sa balat.

  • Kung sa palagay mo ay may mga insekto sa iyong bahay, makipag-usap sa isang lisensyadong propesyonal sa pagkontrol ng peste. Maaari nilang inspeksyunin ang iyong bahay at sabihin sa iyo kung paano puksain nang ligtas ang mga insekto.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo.

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga ito:

  • Hirap huminga o lumunok

  • Paghingang may humuhuni

  • Pakiramdam na nagsasara ang iyong lalamunan

  • Pagkahilo, pagkawala ng malay

  • Pamamaga sa paligid ng mukha o bibig

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga

  • Mga palatandaan ng impeksiyon, tulad ng nadagdagan na pamamaga at pananakit, init, mga pulang guhit, o pagtagas mula sa balat

  • Mga palatandaan ng reaksiyon na allergy, tulad ng mga tagulabay, kumakalat na pantal, o pangangati ng lalamunan

Online Medical Reviewer: Eric Perez MD
Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 5/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by StayWell