Search Results
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Diabetes at Sakit sa Puso

Kung may diabetes ka, 2 hanggang 4 na beses na mas malamang na magkaroon ka ng sakit sa puso kaysa sa isang taong walang diabetes. At malamang na magkaroon ka nito sa mas batang edad. Dahil sa diabetes ang mas mataas na panganib na ito. Ngunit dahil din ito sa iba pang dahilan ng panganib ng sakit sa puso na nangyayari sa mga taong may diabetes. Ngunit may magandang balita. Makatutulong kang makontrol ang mga panganib sa iyong kalusugan sa pamamagitan ng paggawa ng ilang pagbabago sa iyong buhay. Maaari kang gumawa ng mga hakbang upang gawing kalahati ang iyong panganib para sa sakit sa puso. Kagaya ito ng panganib sa mga taong walang diabetes.

Ang iyong mga pangunahing sanhi ng panganib

Ang tatlong pangunahing dahilan ng panganib para sa sakit sa puso ay ang mataas na asukal sa dugo, mataas na presyon ng dugo, at mataas na lebel ng taba sa dugo (mga lipid). Sa pagkontrol ng mga bagay na ito, maaari mong tulungang panatilihing malusog ang iyong puso at mga arterya. Maaari nitong alisin ang iyong tsansa na atakihin sa puso.

  • Asukal sa dugo. Maaaring maging matigas at magaspang ang mga dingding ng arterya dahil sa mataas na asukal sa dugo. Ang plaque ay masebong materyal sa dugo. Maaari itong mamuo sa kahabaan ng mga dingding ng arterya. Ginagawa nitong mas mahirap makadaloy ang dugo sa mga arterya. Pinatataas din ng mataas na asukal sa dugo ang tsansa ng pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo at mataas na kolesterol.

  • Presyon ng dugo. Kapag palaging mataas ang presyon ng dugo, nagiging sanhi ito upang mas magtrabaho ang iyong puso para maipadala ang dugo sa buong katawan. Masisira ang mga dingding ng arterya. Ginagawa nitong mas malamang na mamuo ang plaque.

  • Mga lipid. Kailangan ng iyong katawan ang kaunting taba sa dugo (lipids) upang manatiling malusog. Ngunit maaaring makasira sa mga dingding ng arterya ang mga napakataas na lebel ng lipid. Kasama sa mga lipid ang kolesterol at triglycerides. Mayroong 2 uri ng kolesterol sa iyong dugo. Maaaring masira ng LDL ("masama") na kolesterol ang mga arterya. Ngunit tumutulong ang HDL (“mabuti”) na kolesterol na alisin ang LDL mula sa mga daluyan ng dugo. Tumutulong ito na mapanatiling malusog ang mga arterya. Kapag mataas ang asukal sa dugo, maaari ding mataas ang antas ng triglycerides sa dugo. Maaari din itong maging sanhi ng pagkabuo ng plaque. 

Iba pang dahilan ng panganib

Maaaring tumaas ang mga lebel ng iyong asukal sa dugo, presyon ng dugo, at mga lipid sanhi ng ilang partikular na aspekto ng pamumuhay. Pinatataas ng mas matataas na level ang iyong panganib sa pagkakaroon ng sakit sa puso:

  • Paninigarilyo. Sinisira ng paninigarilyo ang lining ng iyong mga arterya. Hinahayaan nitong maipon ang plaque sa mga dingding ng arterya. Pinapakipot din nito ang mga arterya. Maaari nitong pataasin ang presyon ng dugo at magdulot ng pananakit ng dibdib (angina). Pinatataas din ng paninigarilyo ang iyong panganib ng pagkakaroon ng type 2 diabetes. Huwag ding gumamit ng mga produktong e-cigarette, o pang-vape.

  • Pagiging hindi aktibo. Kung hindi ka aktibo, ginagawa nitong mas mahirap para sa iyong puso na gumana. Nauugnay ang kawalan ng aktibidad sa maraming iba pang problema, gaya ng mataas na presyon ng dugo at mataas na lebel ng kolesterol. Pinatataas din ng kawalan ng aktibidad ang iyong panganib na magkaroon ng type 2 diabetes.

  • Pagiging sobra ang timbang. Kung sobra ang timbang mo, ginagawa nitong mas mahirap para sa iyong katawan na gumamit ng insulin. Labis din nitong pinagtatrabaho ang iyong puso. Ang pagiging sobra sa timbang ay 1 ring pangunahing dahilan ng panganib na humahantong sa type 2 diabetes. 

Mga pagbabago na maaari mong gawin

Lalaking umiinom ng tableta sa kusina.
Inumin ang iyong mga gamot ayon sa itinagubilin araw-araw, kahit mabuti ang iyong pakiramdam.

Makatutulong ang mga simpleng hakbang na nasa ibaba na panatilihing nakokontrol ang iyong mga dahilan ng panganib. Makipagtulungan sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan para makamit ang mga layunin mo.

  • Huminto sa paninigarilyo. Maaari mong mailigtas ang iyong buhay sa paghinto sa paninigarilyo. Sinisira ng paninigarilyo ang lining ng mga daluyan ng dugo at pinatataas ang presyon ng dugo. Nakaaapekto din ito kung paano ginagamit ng iyong katawan ang insulin. Mas pinahihirap nito na mapanatiling nakokontrol ang asukal sa dugo. Kung naninigarilyo ka at kailangan mo ng tulong sa paghinto, makipag-usap sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan. 

  • Suriin ang iyong asukal sa dugo. Ang pagsusuri ng iyong asukal sa dugo ang tanging paraan upang malaman kung nakokontrol ito. Suriin mo mismo ang iyong asukal sa dugo. Magpasuri din sa laboratoryo, ayon sa itinagubilin.

  • Suriin ang iyong presyon ng dugo at mga lipid. Makatutulong sa iyo na manatili sa ligtas na leber ang pag-monitor ng iyong presyon ng dugo at lebel ng lipid. Bisitahin ang iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan ayon sa nakaiskedyul.

  • Uminom ng mga gamot ayon sa itinagubilin. Maaari itong makatulong na kontrolin ang asukal sa dugo, presyon ng dugo, pamumuo ng dugo, at mga lebel ng kolesterol. Pinababa rin ng ilang gamot para sa diabetes ang iyong panganib ng pagkakaroon ng mga atake sa puso at stroke.

  • Kumain ng masustansya. Mababawasan ang iyong mga dahilan ng panganib at matutulungan kang magbawas ng iyong timbang dahil sa pagkain ng masusustansyang pagkain. Subukan mong limitahan ang dami ng naproseso o pininong carbohydrates na kinakain mo sa isang pagkakataon. Bawasan ang iyong kabuuang calories. Kumain ng mga pagkaing kaunti ang saturated fat at kolesterol. Kumain ng fiber, kabilang ang mga gulay at mga buong binutil, at bawasan ang asin. Makatutulong ang isang dietitian o tagapagturo sa diabetes na gumawa ng plano ng pagkain na angkop para sa iyo—kahit na limitado ang iyong badyet. 

  • Limitahan ang alak. Maaaring pataasin ang pagiging sensitibo ng iyong katawan sa insulin ng pag-inom ng alak kahit na kakaunti o katamtaman ang dami. Ngunit inilalagay ka rin nito sa mas mataas na panganib para sa mga reaksyon dahil sa mababang asukal sa dugo.

  • Maging aktibo. Makatutulong ang pisikal na ehersisyo na mabawasan ang iyong timbang, mapalakas ang iyong puso, at mapababa ang iyong mga lebel ng lipid at presyon ng dugo. Maganda ang ehersisyo at aktibidad para sa iyong buong katawan. Makipag-usap sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pagdaragdag ng iyong aktibidad nang ligtas sa paglipas ng panahon.

  • Sundin ang iyong mga appointment.  Makatutulong ang mga regular na pagbisita sa iyong tagapangalaga ng kalusugan upang manatili kang malusog. Magpa-checkup at magpasuri sa laboratoryo ayon sa nakaiskedyul.

Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Online Medical Reviewer: Robert Hurd MD
Date Last Reviewed: 12/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by StayWell