Karaniwang mga Problema sa Thyroid

Ang thyroid ay isang glandula sa leeg. Kinukontrol ito ng pituitary gland na nasa utak. Gumagawa ng 2 hormone ang thyroid na siyang kumukontrol sa kung paano gagamitin ng katawan ang nakaimbak na enerhiya. Kapag may problema sa thyroid, posibleng magbago ang lebel ng thyroid hormone. Puwedeng magdulot ito ng mga sintomas. Nagagamot ang mga problema sa thyroid.
Hypothyroidism
Ito ay kapag hindi gumagawa ng sapat na hormone ang thyroid gland. Ang pinakakaraniwang sanhi ng hypothyroidism ay Hashimoto thyroiditis. Nangyayari ito kapag may pagkakamaling inaatake ng immune system ng katawan ang thyroid gland. Sinisira nito ang thyroid kaya hindi ito nakakagawa ng sapat na hormone. Posible ring mangyari ang hypothyroidism kapag mayroong malubhang kakulangan o labis na iodine sa katawan. Kailangan ng thyroid ng iodine para makagawa ng hormone. Puwedeng mauwi ang mga problema sa pituitary gland sa kakulangan sa produksyon ng thyroid hormone. Nagiging sanhi ng hypothyroidism ang ilang gamot. Nangyayari rin ang hypothyroidism kapag tinanggal ang thyroid gland sa panahon ng operasyon. Puwede ring unti-unting lumitaw ang hypothyroidism pagkatapos ng pagbubuntis.
Kasama sa mga karaniwang sintomas ang:
-
Mababa ang enerhiya at pagkapagod
-
Depresyon
-
Pakiramdam na giniginaw
-
Pananakit ng kalamnan
-
Bumagal mag-isip
-
Pagtitibi
-
Pagkakaroon ng maraming regla na may mas matagal na pagdurugo
-
Pagbigat
-
Tuyo at malutong na balat, buhok, mga kuko
-
Labis na pagkaantok
Hypothyroidism
Ito ay kapag gumagawa ng masyadong maraming hormone ang thyroid gland. Ang pinakakaraniwang sanhi ng hypothyroidism ay Graves disease. Nangyayari ito kapag may pagkakamaling sinasabihan ng immune system ng katawan na gumawa ng maraming hormone ang thyroid. Isa pang dahilan ay ang maliit na bukol (kulani) sa thyroid gland. Puwedeng maging sanhi ito ng thyroidism kapag ang selula sa bukol (nodule) ay gumagawa ng sobrang thyroid hormone at huminto ang produksyon sa lahat ng iba pang bahagi ng thyroid gland.
Kasama sa mga karaniwang sintomas ang:
-
Panginginig, pagkanerbyus, pagiging iritable
-
Pakiramdam na mainit
-
Mabilis o hindi regular na tibok ng puso
-
Panghihina ng kalamnan, pagkahapo
-
Panginginig ng mga kamay
-
Mas madalas na pagdumi
-
Mas maikli, mas kaunti, o hindi regular na pagreregla
-
Pagbaba ng timbang
-
Pagkalagas ng buhok
-
Pagluwa ng mga mata
Mga bukol (nodule)
Ang mga nodule ay mga bukol na tisyu sa thyroid gland. Kadalasan, ang sanhi ng pagkakaroon ng nodule ay hindi pa alam. Pero marahil karaniwan ang ganito sa mga taong sumailalim na sa paggagamot na ginagamitan ng radiation sa ulo o leeg. Kung minsan nararamdaman ang mga nodule sa labas ng leeg. Kadalasan, hindi nagdudulot ng sintomas ang mga nodule at hindi nakakaapekto sa dami ng thyroid hormone. Karamihan ng mga nodule ay hindi kanser. Pero kung minsan posibleng kanser ang isang nodule. Kabilang sa mga salik na panganib ng kanser ay ang edad, kasarian, kasaysayan ng pamilya sa kanser sa thyroid, at kasaysayan sa pagkahantad sa radiation.
Ano ang goiter?
Ang goiter ay paglaki ng thyroid gland. Kapag lumaki ang glandula, puwedeng makita mo o maramdaman ang paglaki nito sa iyong leeg. Puwedeng unti-unting mabuo ang goiter sa isang taong may normal na thyroid, sobrang aktibong thyroid, o kulang sa aktibong thyroid.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.