Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Tagubilin sa Pag-uwi para sa Gastroesophageal Reflux Disease (GERD)

Ang gastroesophageal reflux disease (GERD) ay kapag dumadaloy ang asido pabalik sa lalaugan (esophagus) mula sa sikmura. Ito ang tubo na nagmumula sa iyong bibig patungo sa iyong sikmura. Bawat tao ay may ilang reflux. Ngunit maaaring magamot ang reflux na nangyayari nang madalas. Maaari ding gamutin ang mga sintomas na sanhi ng reflux.

Pangangalaga sa tahanan

Itong mga hakbang sa pangangalaga sa tahanan ay makakatulong sa iyo na pamahalaan ang GERD:

  • Manatiling malusog ang timbang. Humingi ng tulong upang mabawasan ang sobrang timbang.

  • Huwag humiga pagkatapos kumain.

  • Huwag kumain nang gabing-gabi na.

  • Itaas ang ilalim ng gawing ulo ng iyong higaan nang 4 hanggang 6 na pulgada. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bloke ng kahoy o pangtaas ng higaan sa ilalim ng gawing ulo ng iyong higaan. O maaari kang maglagay ng isang kalang sa ilalim ng kutson.

  • Huwag magsuot ng masisikip na damit.

  • Huwag kumain o uminom ng mga bagay na maaaring makapagpahirap sa iyong sikmura. Kasama rito ang mga pagkain o inumin na may:

    • Alak

    • Taba

    • Tsokolate

    • Caffeine

    • Spearmint o peppermint

    • Citrus o iba pang acidic juice

    • Mga paminta, bawang, sibuyas, o katulad na pampalasa

  • Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung umiinom ka ng mga gamot. Maaaring palalain ng ilang gamot ang mga sintomas ng GERD. Kabilang sa mga ito ang:

    • Mga calcium channel blocker

    • Theophylline

    • Mga gamot na anticholinergenic, tulad ng oxybutynin at benzatropine

  • Magsimula ng isang programa ng ehersisyo. Magtanong sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung paano magsisimula. Maaaring makatulong ang mga simpleng gawain, tulad ng paglalakad o paghahardin.

  • Kung naninigarilyo ka, gumawa ng mga hakbang para huminto. Sumali sa programa ng pagtigil sa paninigarilyo para mapasulong ang iyong tsansang magtagumpay.

  • Limitahan ang iyong pag-inom ng alkohol.

  • Kung niresetahan ka ng gamot para sa GERD, inumin ito ayon sa itinagubilin. Huwag lumaktaw ng dosis.

  • Huwag uminom ng mga gamot na nonsteroidal anti-inflammatory (mga NSAID) na over-the-counter, maliban kung sabihin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na OK ito. Kabilang sa mga ito ang aspirin at ibuprofen. 

  • Makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan tungkol sa paggamot kung ikaw ay buntis. Maaaring magsimula o lumala ang GERD sa pagbubuntis.

Follow-up na pangangalaga

Magpa-check up ayon sa itinagubilin ng aming kawani.

Tumawag sa 911

Tuimawag sa 911 kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • May pananakit sa leeg, dibdib, o likod

  • Nabulunan, umuubo, hirap sa paghinga, o humihingasing

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Hirap sa paglunok

  • May pananakit kapag lumulunok

  • Nakakaramdam ng pagkabara ng pagkain sa iyong dibdib o lalamunan

  • Pangangasim ng sikmura na nagiging sanhi ng iyong pagsuka

  • Pagsuka ng dugo o mukhang giniling na kape

  • Maitim o tulad ng alkitran na dumi

  • Mas maraming laway kaysa karaniwan

  • Pagbaba ng timbang kapag hindi mo sinusubukang magbawas ng timbang

  • Pamamaos o namamagang lalamunan na hindi mawala-wala

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by StayWell