Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa Infective Endocarditis

Ang infective endocarditis ay isang impeksiyon sa lining ng puso (endocardium) o mga balbula ng puso. Pinakamadalas na nagmumula ang impeksiyon sa ilang uri ng bakterya. Ngunit ang ibang mikrobyo tulad ng fungi ay maaari ding magdulot nito. Hindi alam na nagdudulot ng endocarditis ang mga virus.

Cross section ng puso na ipinakikita ang apat na balbula.

Paano nagdudulot ng mga problema ang infective endocarditis?

Nagsisimula ang infective endocarditis kapag nahalo ang bakterya o isa pang uri ng mikrobyo sa daluyan ng dugo. Habang umiikot ang bakterya sa daluyan ng dugo, nalalantad ang mga bahagi sa loob ng puso. Mayroong 4 na balbula sa iyong puso. Pinapanatili ng mga balbulang ito na dumadaloy ang dugo sa puso sa tamang direksyon. May tendensiya ang bakterya na dumikit sa mga balbulang ito o sa kanilang nakapaligid na sumusuportang bahagi at magdulot ng pagkasira. Maaari itong humantong sa pagpalya ng balbula at ng puso. Bukod dito, habang patuloy na lumalaki ang mga bakterya sa puso, maaaring ganap na lumaki ang mga ito upang bumuo ng mga kumpol ng bakteryang tinatawag na mga vegetation. Nagsisilbi ang mga ito bilang isang imbakan ng bakterya at maaaring magpatuloy sa pagpapalabas ng bakterya sa daluyan ng dugo. Maaaring kumalas ang mga vegetation na ito at pumunta sa isa pang bahagi ng katawan. Maaari nitong harangan ang pagdaloy dugo sa katawan at taniman ng bakterya ang isa pang bahagi ng katawan.

Ano ang nagdudulot ng infective endocarditis?

Karaniwang nabubuhay ang bakterya sa labas at loob ng iyong katawan. Bilang halimbawa, nabubuhay sila sa iyong balat o sa iyong bibig. Ngunit kung minsan ay maaaring mapunta ang bakterya sa daluyan ng iyong dugo. Maaari itong mangyari pagkatapos ng isang pagsusuri o pamamaraang medikal o sa ngipin. Maaaring magpunta ang bakterya sa iyong puso. Maaaring manirahan ang mga ito sa lining ng puso o sa mga balbula. Mas madalas itong nangyayari sa mga taong may mga partikular na problema sa puso o balbula ng puso. Bihira itong nangyayari sa mga taong walang problema sa puso.

Mas malamang na nasa panganib ka sa infective endocarditis kung mayroon o nagkaroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Mga depekto sa puso gaya ng mga naroon na pagkapanganak (congenital)

  • Sakit sa balbula tulad ng mitral valve prolapse, o pagkasira mula sa isang impeksiyon (rheumatic heart disease)

  • Operasyon upang mapalitan ang isang nasirang balbula ng puso

  • Kasaysayan ng endocarditis

  • Paggamit ng IV (intravenous) na gamot

  • Mga problema sa ngipin o mga impeksiyon sa bibig

  • Hemodialysis para sa pagpalya ng bato

  • Catheter sa isang ugat (IV) o daluyan ng dugo (intravascular) para sa isang medikal na pamamaraan

  • Mahinang immune system dahil sa HIV o chemotherapy bilang halimbawa

Mga sintomas ng infective endocarditis

Maaaring magsimula nang biglaan ang impeksiyon na may mga malulubhang sintomas (acute endocarditis). O maaari itong magsimula nang mas dahan-dahan at hindi gaanong malubha (subacute endocarditis). Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Mga sintomas na parang sa trangkaso, tulad ng lagnat, ginaw, pamamawis sa gabi, pagkapagod, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, at pananakit ng ulo

  • Paulit-ulit na pagkapagod

  • Pagbaba ng timbang

  • Pagkawala ng gana

  • Hirap sa paghinga

  • Pag-ubo

  • Pagduduwal at pagsusuka

  • Mga pagbabago sa balat tulad ng pamumutla at mga sugat sa mga daliri ng kamay o paa

  • Maliliit na pulang batik sa balat, sa ilalim ng mga kuko, sa puti ng mga mata, at sa loob ng bibig

  • Dugo sa ihi

  • Pamamaga ng mga paa, hita, o tiyan (abdomen)

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas

Pag-diagnose ng infective endocarditis

Susuriin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang iyong mga sintomas at kasaysayan ng iyong kalusugan. Susuriin niya ang iyong katawan. Pakikinggan niya ang iyong puso at maaaring makarinig ng abnormal na tunog (heart murmur). Maaari ka ring magkaroon ng mga pagsusuri tulad ng:

  • Mga pagsusuri ng bakterya at iba pang mikrobyo sa dugo at ihi (blood o urine culture). Tinitingnan ng pagsusuring kung may impeksiyon sa mga sampol ng dugo o ihi.

  • Iba pang pagsusuri sa dugo. Maaari ding isagawa ang maraming iba pang pagsusuri sa dugo. Halimbawa, maaari kang magkaroon ng complete blood count (CBC).

  • Echocardiography (echo). Gumagamit ang pagsusuring ito ng mga ultrasound wave upang makita ang mga balbula ng iyong puso at dugong dumadaloy sa iyong puso. Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng alinman sa paggamit ng isang probe na idinidiin sa ibabaw ng dibdib o sa pamamagitan ng pagpasok ng probe sa bibig patungo sa esophagus.

  • Electrocardiography (ECG). Tinitingnan ng pagsusuring ito ang ritmo ng iyong puso.

  • X-ray ng Dibdib. Isinasagawa ito upang hanapin ang mga problema sa iyong baga.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by StayWell