Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagbabara ng Ilong (Sanggol/Bata)

Napakakaraniwan sa mga sanggol at bata ang pagbabara ng ilong. Karaniwang hindi ito malubha. Maaaring sanhi ng sipon, trangkaso, mga allergy, o impeksiyon sa sinus ang pagbabara ng ilong.

Karaniwang humihinga ang mga sanggol na mas bata sa 2 buwan sa pamamagitan ng kanilang ilong. Hindi pa sila mahusay sa paghinga sa pamamagitan ng kanilang bibig. Hindi nila alam kung paano suminghot o suminga. Kapag barado ang ilong ng iyong sanggol, kikilos sila nang hindi komportable. Maaaring maging maselan ang iyong sanggol at nahihirapang kumain at matulog.

Kabilang sa mga sintomas ng pagbabara ng ilong ang:

  • Tumutulong sipon

  • Maingay na paghinga

  • Humihilik

  • Pagbahin

  • Pag-ubo

Maaari ding may lagnat ang iyong sanggol o anak kung mayroon siyang impeksiyon sa itaas ng respiratory tract.

Magagamot ang simpleng pagbabara ng ilong gamit ang mga hakbang na nakalista sa ibaba. Sa ilang kaso, maaaring sintomas ang pagbabara ng ilong ng isang mas malubhang sakit. Maging alerto sa mga babala na nakalista sa ibaba.

Pangangalaga sa tahanan

Sundin ang mga tagubilin na ito kapag nangangalaga sa baradong ilong ng iyong sanggol o anak sa bahay:

  • Gumamit ng saline nose spray para paluwagin ang uhog. Ang saline spray ay tubig na asin sa isang boteng pang-spray. Mabibili ito nang walang reseta. Gumamit ng 1 hanggang 2 spray sa bawat butas ng ilong.

    • Para sa mga sanggol, gumamit ng gomang ulo ng hiringgilya (nasal aspirator) upang hilahin ang uhog matapos gumamit ng saline spray. Maaari itong gumana nang pinakamahusay kapag ang iyong sanggol ay wala pang 6 na buwang gulang. Iupo ang iyong sanggol nang tuwid. (Huwag gamitin ang ulong hiringgilya sa batang nakahiga.) Pigain ang ulo bago ito ilagay sa ilong ng iyong sanggol. Banayad na ilagay ang dulo sa butas ng ilong ng iyong sanggol, at dahan-dahang hayaan ang ulo na gumawa ng paghigop. Gawin din ito sa kabilang butas ng ilong. Alisin ang bara sa ilong ng iyong sanggol bago ang bawat pagpapakain.

  • Gumami ng malamig na mist vaporizer malapit sa kuna ng iyong sanggol o sa kuwarto ng iyong sanggol. Maaari mo ring buksan ang mainit na shower na nakasara ang pinto at mga bintana ng banyo. Umupo sa banyo na nasa kandungan mo ang iyong sanggol o anak sa loob ng 10 o 15 minuto.

  • Panatilihing hydrated ang iyong sanggol o anak. Para sa mga mas batang sanggol, nangangahulugan ito na pagpapasuso o pagpapainom ng gatas sa bote. Dapat uminom ang mga bata ng tubig o iba pang likido. Tumutulong ang pananatiling sapat ang tubig (hydrated) na mapanipis ang uhog.

  • Huwag magbigay ng mga nabibili nang walang reseta (over-the-counter) na gamot sa ubo at sipon sa iyong sanggol o anak malibang partikular na sinabi sa iyo ng kanyang tagapangalaga ng kalusugan na gawin iyon. Ang mga OTC na gamot sa ubo at sipon ay hindi napatunayang gumagana nang mas mahusay kaysa sa plasebo (matamis na syrup na walang halong gamot). At maaaring makapagdulot ng malubhang masasamang epekto, lalo na sa mga sanggol na mas bata sa 2 taong gulang.

  • Huwag manigarilyo sa paligid ng iyong sanggol o anak at huwag hayaan ang ibang tao na gawin din iyon. Kasama rito ang paninigarilyo sa iyong bahay at kotse. Maaaring palubhain ng usok ng sigarilyo ang pagbabara at ubo.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow-up sa tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, o ayon sa itinagubilin.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong anak kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Lagnat (tingnan ang Lagnat at mga bata, sa ibaba)

  • Mga sintomas na lumalala o magkaroon ng mga bagong sintomas

  • Tumatagal ang paglabas ng uhog sa ilong nang mahigit sa 10 hanggang 14 na araw

  • Mabilis na paghinga. Sa isang bagong silang na sanggol na hanggang sa 6 na linggo ang gulang: mahigit sa 60 paghinga kada minuto. Sa isang bata na 6 na linggo hanggang 2 taong gulang: mahigit sa 45 paghinga kada minuto.

  • Mas kaunti ang kinakain o iniinom ng iyong sanggol o anak o mukhang nahihirapang kumain

  • Mas kakaunti kaysa sa karaniwan ang pag-ihi ng iyong sanggol o anak.

  • Hinihila o hinihipo nang madalas ng iyong sanggol o anak ang kanyang tainga, o mukhang nasasaktan 

  • Hindi kumikilos ng normal ang iyong sanggol o anak o mukhang sobrang pagod

Lagnat at mga bata

Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:

  • Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.

  • Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.

  • Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.

  • Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.

  • Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.

Gamitin ang thermometer sa puwit nang maingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.

Nasa ibaba ang mga patnubay upang alamin kung may lagnat ang iyong maliit na anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero para sa iyong anak. Sundin ang mga partikular na tagubilin ng iyong tagapangalaga.

Mga sukat ng lagnat para sa sanggol na wala pang 3 buwang gulang:

  • Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.

  • Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas

  • Kilikili: 99°F (37.2°C) o mas mataas

Mga sukat ng lagnat para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):

  • Puwit, noo, o tainga: 102°F (38.9°C) o mas mataas

  • Kilikili: 101°F (38.3°C) o mas mataas

Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan sa mga kasong ito:

  • Temperatura na paulit-ulit na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad

  • Lagnat na 100.4° F (38° C) o mas mataas sa sanggol na mas bata sa 3 buwan

  • Lagnat na tumatagal ng lampas sa 24 na oras sa batang wala pang 2 taong gulang

  • Lagnat na tumatagal ng 3 araw sa batang 2 taong gulang o mas matanda

Online Medical Reviewer: Daphne Pierce-Smith RN MSN
Online Medical Reviewer: Liora C Adler MD
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Date Last Reviewed: 4/1/2020
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by StayWell